-- Advertisements --
Kabuuang 184 na lugar sa National Capital Region (NCR) ang nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ang 184 na lugar na ito ay matatagpuan sa loob ng 74 na barangay sa siyam na local government units sa buong Metro Manila.
Hanggang kahapon, Setyembre 22, 71 sa 184 na lugar sa ilalim ng granular lockdown ay pawang mga bahay, apat ang residential building floors, 15 ang residential buildings, 93 ang mga kalye, at isa ang subdivision.
Kabuuang 399 police personnel at 560 pang fore multipliers ang idineploy sa NCRR para matiyak na nasusunod ang health standards na itinakda para labanan ang pagkalat ng COVID-19 at naipapatupad ng husto ang granular lockdowns.