-- Advertisements --

Nasa kabuuang 181 na mga indibidwal na kinabibilangan ng mga pasahero at tripulante ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula sumadsad na bark port of Real, Quezon Province.

Sa ulat ng PCG-District Southern Tagalog, paalis na sana ang barkong MV Virgen de Pena Francia II patungong Pacific Ocean nang aksidente itong anudin sa mababaw na bahagi ng tubig habang minamaniobra at tuluyan nang sumadsad sa seabed ng dagat.

Agad naman nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan n PCG station sa Real upang sagipin ang mga indibidwal na lulan ng nasabing barko at ihatid ang mga ito pabalik sa pantalan.

Sa datos, ang naturang barko ay mayroong gross tonnage na 253 tons at net tonnage na 76 tons, at may lulan na 29 na mga tripulante, 152 pasahero, 16 na sasakyan, at 51 motorsiklo.

Wala namang na monitor na anumang posibleng pagtagas ng langis ang PCG mula sa sumadsad na barko habang hinatak naman ito ng Isa pang barko pabalik sa pantalan. /