-- Advertisements --

Nasa 18 katao ang nasawi matapos ang pagguho ng minahan sa western Guinea.

Naganap ang aksidente sa Gaoual, na may layong 240 kilometro mula sa capital na Conarky.

Ayon sa government spokesman Ousmane Gaoual Diallo na patuloy pa rin ang kanilang paghahaluglog sa gumuhong minahan at nagbabakasali ang mga ito na makakita pa ng mga natabunang tao.

Hindi lamang ito ang unang beses na nagkaroon ng aksidente sa minahan dahil sa laganap ito sa nasabing lugar kung saan marami sa mga minahan ang walang karampatang dokumento mula sa gobyerno.