-- Advertisements --
Patay ang 18 katao matapos na masunog ang bus na kanilang sinakyan sa eastern Pakistan.
Naganap ang insidente sa bayan ng Pindi Bhattian sa eastern Punjab province kung saan bumangga ang bus sa kasalubong na sasakyan na mayroong kargang diesel.
Sa loob lamang ng limang minuto ay nasunog agad ang bus kung saan 18 ang nasunog na buhay habang mayroong 16 na iba pa ang nasugatan sa insidente.
Naniniwala ang mga otoridad na maaring nakatulog ang driver ng bus kaya naibangga ito sa isang van.