-- Advertisements --

Umakyat na sa 18 indibidwal ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa illegal na paputok.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ilan sa mga nahuli ay mga nagbebenta ng fireworks at firecrackers.
Inaasahan naman ng kapulisan na maaaring madagdagan pa ang nasabing bilang.
Hinihintay lamang nila aniya ang opisyal na maidadagdag na bilang.
Idinagdag pa ni Fajardo na hindi bababa sa 64,741 pieces ng mga assorted firecrackers na nagkakahalaga sa mahigit P1 million ang nakumpiska.
Nauna nang iniulat ng Department of Health na tumaas ng 52 percent ang fireworks -related injuries kumpara sa nakaraang taon.










