-- Advertisements --

Nasa 18 kababaihan ang nasagip sa dalawang pinaghihinalaang prostitution den sa Palanan, Makati City.

Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, ng Makati City Police Station, agad nilang tinungo ang sumbong sa kanila sa nagaganap na prostitution den sa Casino Street corner Bautista Street.

Matapos ang pagpanggap ng isang pulis bilang isang customer ay agad nilang nilusob ang lugar at naabutan ang 11 babae.

Itinuro naman ng isang babae ang isang casa sa Araro Street at Emilia Street na agad namang tinungo ng mga kapulisan kung saan nailigtas ang 7 babae, 2 Chinese at ibang mga kalalakihan.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong may-ari ng mga prostitution den.