Umakyat na sa 18 insidente ang naitala ng Philippine National Police na may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ayon kay PNP-PIO chief PCOL Jean Fajardo, ang naturang mga insidente ay naitala ng kapulisan mula Agosto 12 hanggang Oktubre 18, 2023.
Mula sa 18 election related incident, 12 ang mga kaso ng pamamaril, dalawa ang kidnapping, at tig-isa ang may kinalaman sa grave threat, indiscriminate firing, paglabag sa gun ban, at isang police operation na nagresulta sa armadong engkwentro.
Habang napaulat ang 5 insidente sa ABangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; 3 sa Northern Mindanao; 3 sa Silangang Visayas; 2 sa Calabarzon; 2 sa Rehiyon ng Bicol; 1 sa Ilocos Region; 1 sa Central Visayas.
Samantala, sabi naman ni Fajardo walo sa mga kasong ito ang nasa ilalim ng imbestigasyon, dalawa ang naisampa na sa korte, at dalawang kaso na ang natukoy na mga suspek.