-- Advertisements --
Hindi bababa sa 18 mga home antigen test kits para sa COVID-19 ang inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA).
Ang self-administered test kits ay may 83 percent hanggang 97.5 percent sensitivity at 99.5 percent to 100 percent specificity.
Ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez marami pa silang hinihintay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Samantala, nilinaw din naman nito na wala pang COVID-19 vaccine manufacturer ang naka-apply ng booster shots para sa mga bata.
Aniya, kung sakali mang may mag-a-apply, sa loob ng tatlong linggo susubukan nilang ma-evaluate ito kaagad.