CEBU – Arestado ang isang 18-anyos na binatilyo sa Cebu City matapos umanong makuhanan ng higit P2-milyong halaga ng pinaghihinaalang shabu sa isang buy bust operation.

Kinilala ang naaresto na si Noricris Manayon, residente ng Brgy. Suba.

Ayon kay Staff Sgt. Rey Lumangad ng Fuente PNP, nakatanggap ng report ang kanilang tanggapan hinggil sa umano’y transaksyon ni Manayon ng iligal na droga, na agad umano nilang minanmanan.

Nakuha ng mga otoridad sa salarin ang higit 300 gramo ng sinasabing shabu.

Sa ngayon hawak na ng Fuente PNP si Manayon na nakatakdang sampahan ng kasong may kinalaman sa iligal na droga.