Naka-detect ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 178 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa nakalipas na 24 na oras, mas mataas ang record kaysa sa 149 volcanic earthquakes na namonitor noong nakaraang araw.
As of 5 a.m. bulletin kanina, sinabi ng Phivolcs na naglabas ang bulkan ng 613 toneladang sulfur dioxide.
Ang plume mula sa bunganga ng bulkan ay may sukat na 150 metro ang taas.
Samantala, sinabi naman ng Phivolcs head at Science and Technology Undersecretary na si Renato Solidum Jr. na ang hydrothermal activity ay tuloy-tuloy at maaaring mauwi sa panibagong phreatic eruption.
Noong Biyernes ng hapon, muling ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Juban sa Sorsogon ang pre-emptive evacuation ng mga residenteng nakatira sa 4-to-6 kilometer danger zone.
Itinaas ng Phivolcs ang status ng bulkan sa alert level 1 matapos itong nagbuga ng steam-rich gray plumes na tumaas nang humigit-kumulang isang kilometro noong Hunyo 5.