-- Advertisements --

LA UNION – Tuluyan ng ibinaon sa landfill ang nakumpiskang 176 kilos na hot meat ng task force ASF sa bayan ng Bauang, la Union.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Agriculturist Rebecca Sabado ng Municipal Agriculture Office.

Ayon kay Sabado ang naturang double dead na karne ay ipagbibili sa merkado kung hindi ito nakumpiska.

Una rito, naharang ng Bauang Police ang nasabing hot meat na galing umano sa bayan ng Aringay sa lalawigan.

Ayon kay PLt. Juan Casem Jr, deputy chief of police ng Bauang Police nakalagay sa sako at isinakay sa isang pick up ang nasabing double dead na karne ng baboy.

Samanatala, pinaalalahanan naman ng kapulisan ang nga vendors na mag-ingat sa mga ibinentang karne ng baboy at siguraduhin na ito ay may kaukulang dokumento bago ibenta sa merkado.