-- Advertisements --

LA UNION – Nasa 17,000 mga bagong pulis ang target ng PNP recruitment ngayong 2020.

Mula sa naturang bilang 10,000 ang regular recruitment quota habang pitong libo naman ang kukunin bilang attrition quota sa Philippine National Police (PNP).

Ang mga makukuha sa attrition quota para sa taunang PNP recruitment ay siyang papalit sa mga bakanteng posisyon sa PNP, dahilan sa may mga nagretiro na, namatay na pulis, naalis sa serbisyo, nag-awol, at iba pang kadahilanan.

Sa Police Regional Office-1 (PRO-1), naghahanda na umano ito para sa pagtanggap ng mga police applicants sa susunod na buwan.