-- Advertisements --

Nasa 170 sibilyan na galing sa Mariupol ang nakarating na sa Zaporizhzhia, Ukraine.

Ayon sa International Committee for the Red Cross (ICRC) ligtas na nakarating ang mga sibilyan matapos ang ilang linggong paninirahan sa underground.

Karamihan sa mga sibilyan ay mula sa steel plant sa Azovstal at Mariupol.

Ito na rin aniya ang pangatlong pagligtas sa mga sibilyan sa pakikipagtulungan nila sa United Nation.

Hindi pa rin malinaw kung ilang mga sibilyan pa ang naipit sa Azovstal.