Sinuspendi ng Professional Golfers’ Association (PGA) ang 17 golf players na lumahok sa Saudi Golf League/ LIV Golf event.
Sinabi ni PGA Tour commissioner Jay Monahan, isang paglabag sa kanilang tournament regulations ang pagsali ng nasabing mga golfers sa ibang torneyo.
Ito rin ang mangyayari sa sinumang magbabalak na lumahok sa golf tournament sa Saudi.
Ilan sa mga nasa listahan ay sina Dustin Johnson, Phil Mickelson at Sergio Garcia.
Nanindigan naman si Mickelson na wala itong balak na umatras sa torneyo dahil sa kaniyang pinaghirapan ang pagiging lifetime eligibility ng PGA.
Ang LIV series ay pinatatakbo ng Public Investment Fund (PIF) ng Saudi na pinamumunuan ng kontrobersiyal na si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.
Binubuo ito ng walong events sa buong mundo na magsisimula sa London.










