-- Advertisements --

Nasa 17 katao ang nasawi at mahigit 50 iba pa ang sugatan matapos na madiskaril ang pampasaherong train sa eastern Iran.

Nagtulong-tulong ang 10 ambulansya, 21 rescue teams dahil sa pagkadiskaril ng limang bagon ng train sa lungsod ng Tebas, Iran.

Dinala agad sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Inaasahan rin ng mga otoridad na tataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa marami sa mga sugatang biktima ang may matinding tinamong sugat.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.