Reading Time: 1 minute

Nasa 17 katao ang namatay matapos sumabog ang isang tanker truck na may kargang gasolina sa isang trading center sa Uganda.

Sa pahayag ng Uganda police, nawalan umano ng kontrol ang driver sa truck at sumalpok sa tatlong iba pang sasakyan bago magliyab, dahilan para sumabog ang nakaparadang mga kotse.

Siyam na sunog na mga bangkay ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente, at walong katao pa ang binawian ng buhay sa ospital.

Sinisikap pa ng mga otoridad na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga natustang labi.

Nanawagan din ang mga ito sa pamilya ng mga biktima na lumantad at magpakilala bilang bahagi ng DNA profiling process ng mga nasawi. (CNN)