-- Advertisements --

Aabot sa 17 mga mambabatas sa US na pawang mga Democrats ang inaresto dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa harap ng korte suprema sa Washington.

Ayon sa US Capitol police na kinabibilangan ito ng mga progresibong mambabatas na sina Alexandria Ocasio-Cortez at Ilhan Omar.

Paliwanag pa ng mga kapulisan na nagdudulot daw ang mga ito ng trapiko kaya inaresto nila ang mga ito.

Sa kabuuan ay umabot sa 35 katao ang kanilang naaresto.

Isinusulong ng nasabing mga mambabatas ang karapatan ng bawat kababaihan na sumailalim sa abortion.