-- Advertisements --
Patay ang 17 katao matapos ang naganap na flash floods sa Oman.
Ayon sa National Committee for Emergency Management (NCEM) na mula pa noong araw ng Linggo ay walang tigil ang pag-ulan na nagdulot sa paglambot ng mga lupain sa kabundukan.
Dahil sa sama ng panahon ay kinansela ang pasok sa opisina at sa mga paaralan.
Pinayagan ng gobyerno ang mga empleyado nila na magtrabaho na lamang sa kanilang bahay.
Maraming mga kabahayan rin ang nasira dahil sa sama ng panahon.