CAUAYAN CITY – Nakapasok na ang ilang atleta na lumalahok sa Philippine Athletics Championship sa Ilagan City, Isabela para sa gaganaping South East Asian (SEA) Games na ang magiging host ay ang Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Eduard Co, event presentation Director ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na mayroon nang 17 athletes ang na-qualify para sa SEA Games.

Ilan lamang dito ang tatlong atleta para sa 10,000 meters men, isa mula sa 10,000 meter women.

Mayroon din anyang na-qualify na makikipagtagisan sa SEA Games sa discuss throw, long jump, 100 meter men, 100 meter women, pole vault, 400 meter hurdles women, 400 meter hurdles girls at 400 meter hurdles men.