-- Advertisements --
Patay ang 17-anyos na American cyclist na si Magnus White matapos na mabangga ng sasakyan.
Naganap ang insidente habang ito ay nagsasagawa ng training sa Boulder, Colorado.
Naghahanda kasi ito sana para makasali sa cross-country discipline sa junior Mountain Bike World Championships sa Glasgow, Scotland sa Agosto 10.
Nagsimula ito ng sumali sa mga karera sa edad na 10.
Huling sumali ito ay noong Cyclocross World Championships 2022 at 2023.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga kasamahan nito sa USA Cycling.