Dumating na sa bansa ang 1,606,600 doses ng Johnson & Johnson COVID-9 vaccines mula sa Estados Unidos.
Ang nasabing bakuna ay ipinagkaloob ng Amerika para sa bansa sa pamamagitan ng vaccine-sharing platform COVAX na nasa ilalim ng WHO.
Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang bansa ng nasabing brand.
Dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong alas-4:00 ng hapon.
Ang paunang paghahatid na ito mula sa US-based medical and pharmaceutical firm ay nagtataas ng stockpile ng bakuna sa bansa na higit sa 24.7 milyon.
Ngayong Sabado, inaasahan din ng Pilipinas na makatanggap ng parehong bilang ng mga doses mula sa nasabing brand basi sa advisory ng National Task Force Against COVID-19.
Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang bakunang COVID-19 ng Johnson & Johnson para sa emergency use noong Abril.
Ang single-shot vaccine ay maaaring ibigay sa mga taong may edad 18 pataas sa bansa.
Una nito, dumating din nitong Biyernes ng umaga ang mahigit 1.15 milalion na AstraZeneca vaccine na binili ng private sector sa bansa.