DAVAO CITY – Isinailalim sa quarantine ang 16 na pulis sa Davao Region matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19.
Kinilala ang mga pulis na ito bilang probable at suspect cases base na rin sa bagong klasipikasyon ng DOH sa mga taong posibleng nahawa sa sakit.
Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson Police Major Eudison Gultiano, 14 sa naturang mga sakit ang napapabilang sa suspected COVID-19 cases.
Ang natitirang dalawang pilis naman ay patuloy pa aniyang mino-monitor ang kalagayan sa ngayon.
Sinabi ni Gultiano na ang naturang mga pulis, na pawang nakadestino sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, ay nakaranas ng lagnat, ubo at sipon.
Dahil dito, pinayuhan silang mag-home quarantine habang patuloy namang mino-monitor ang kanilang kondisyon ng Regional Home Service ng Police Regional Office Davao.