Nasa 16 persons deprived of liberty (PDLs) ng Bilibid ang nagpositibo sa COVID-19 rapid antigen test mula sa 2,216 nasuri.
Habang sa 50 New Bilibid Prison personnel naman na nasuri, nasa 11 sa kanila ang na-infect sa virus at inabisuhang mag-siolate sa kanilang mga tahanan matapos na mabigyan ng medical prescriptions.
Inilipat naman sa isolation wards ang infected PDLs mula sa mga piitan.
Maalala na noong Mayo 3 , sinuspendi ng BuCor ang visitation privileges ng PDLs sa Bilibid at correctional Institution for Women sa Mandaluyong city.
Nag-isyu ang BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng isang memorandum na nagmamandato sa lahat ng mga bisita at indibidwal na nakikipagtransaksyon sa lahat ng BuCor offices sa national headquarters sa Muntinlupa city na magsuot ng facemask at magprsenta ng latest rapid antigen test.
Una ng sinabi ni Dr. Ma. Cecilia V. Villanueva, ang BuCor’s director for Health Services na posibleng galing sa mga bisita ng PDLs ang pinagmulan ng covid-19 infections.
Sa ngayon, wala pang covid19 infection report sa iba pang mga piitan ng BuCor sa iba’t ibang panig ng bansa.