-- Advertisements --

Ang malaki umanong pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.

“I am deeply humbled and encouraged by the latest Social Weather Stations survey, which shows a significant rise in public satisfaction with my performance as Speaker of the House of Representatives,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na naging mahalaga ang pagpasa ng mga makabuluhang panukalang batas upang masuportahan ang magandang layunin ng administrasyong Marcos na matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Nangako si Speaker Romualdez na patuloy na magtatrabaho upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“I will continue to focus on policies that drive economic growth, social justice, and national development, ensuring these benefits reach every Filipino, especially those most in need,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.