NAGA CITY- Halos 16 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa Bicol Region.

Sa data na ipinalabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, ito ang pinakamalaking bilang ng kaso na naitala mula ng magpositibo sa nasabing rehiyon.

Sa ngayon mayroon ng kabuuang 146 na kaso habang 62 dito ang active cases.

Sa 16 new cases, siyam dito ang mula sa Camarines Sur, dalawa sa Naga City habang lima sa Sorsogon.

Anim na mga bayan ang nakapagtala ng kanilang 1st confirmed cases.

Sa nasabing bilang, 11 ang Locally Stranded Individuals (LSIs) habang ang iba naman ay mga close contacts.