-- Advertisements --

Aabot sa 16 katao ang nasawi matapos ang naganap na sunog sa pagawaan ng tela sa Bangladesh.

Isasailalim pa sa DNA ang mga nadiskbreng bangkay dahil as hindi na sila halos makilala mula sa pagkasunog.

Nagtipon ang mga kaanak ng mga biktima sa harap ng nasunog na apat na palapag na gusali sa bayan ng Mirpur sa Dhaka region.

Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang naapula ang mga bumbero ang sunog kung saan nadamay din ang tapat na chemical warehouse.

Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa nasabing insidente.