-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa India sa pagkasagasa ng 16 na katao ng freight train sa Maharashtra.
Pawang mga migrant workers ang nasawi na nakatulog sa riles ng train na nagtangkang maglakad sa pagnanais na makakuha ng train na pauwi.
Marami kasi sa mga migrants ang naglakad mula ng ipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Ikinagalit at ikinagulat naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang pangyayari at tiniyak ang tulong na ibibigay sa mga biktima.