Halos P1 billion na buwis ngayon ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 16 na korporasyon at mga negosyante.

Ang mga ito ay bigong magbayad ng tamang buwis mula 2008 hanggang 2016 na papalo na sa P932 million.

Ang mga delingkuwenteng kumpanya ay ipinagharap ng BIR sa Department of Justice (DoJ) ng reklamong tax evasion matapos tumangging magbayad sa kabila ng mga abiso ng kawanihan.

Kabilang sa mga kinasuhan ang 14 korporasyon na:

  • A.G. Herrera Construction Corporation
  • Famos Combined Services
  • Spinmaster Textile Manufacturing Corporation
  • Cholle Mig Incorporated
  • G.V. Cosmetics Incorporated
  • Goldsun Enterprises Corporation
  • Justbest Sales Corporation
  • WM Manufacturing
  • Zeemsheen Inc
  • Cornell Specialty Steel Incorporated
  • Krystal Gem Multisales Corporation
  • Topgun Industrial and General Merchandise
  • Kain Sun International Corporation

Kasama naman sa mga negosyanteng inirekomenda ang mga negosyante na sina Eugenio dela Merced at Leonides Libunao Ligon.

Ang pinakamalaking tax liability ay sa Justbest na matatagpuan sa Caloocan City na aabot sa P382 million at sumunod naman ang negosyanteng si Ligon ng Jadd Green Marketing na mahigit P192 million.