-- Advertisements --

LEGAZPICITY- Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang nasa 16 katao matapos ma-rescue nang lumubog ang bangkang sinasakyan nito sa bahagi ng Batngon, P1 Brgy. Poblacion, Rapu-Rapu, Albay

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, patungo sana sa lungsod ng Legazpi ang naturang bangka subalit nagkaroon ng engine problem at inabutan pa ang malalakas na alon ng dagat na naging sanhi ng paglubog nito.

Mapalad naman na nakasalubong ng naturang bangka ang isang passenger vessel na sinasakyan ng ilang mga uniformed personnel na siyang nanguna sa isinagawang rescue sa mga biktima.

Wala namang naipaulat na nasaktan sa naturang insidente habang pansamantalang dinala ang mga ito sa pantalan ng Barangay Bagaobawan, Rapu-Rapu para sa medikal na atensyon.

Samantala, patuloy naman na ang paalala ng mga kinauukulan na mag-ingat sa paglalayag at ugaliing i-check ang kanilang mga sasakyang pandagat upang maiwasan ang kaparehong mga insidente.