Kinumpirma ni Department of Health (DOH) – CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo na nasa high risk level na rin ang bed occupancy rate sa mga lalawigan ng Batangas at Rizal, dahil sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Janairo, nasa 77.8% na ang nagamit na hospital bed at 74.3% naman sa Batangas.
Kaya naman, agad itinayo ang 16 na collapsible tents sa naturang mga lugar.
Magsisilbing emergency intensive care unit (ICU) at ward para sa Covid patients ang nasabing mga pasilidad.
Ang dagdag na 44-bed capacity modular tent ay may limang metrong lawak at 12 metrong haba ng floor area.
Tiniyak naman ni Janairo na secured ang mga ito at nagkakahalaga ng P294,850 para sa raw materials.
Maging ang iba pang rehiyon ay inaasahan na ring magtatayo ng kaparehong pasilidad, para sa dumaraming COVID-19 patients.