Monica Francesca Cortes
Monica Francesca Cortes / FB image

CAUAYAN CITY– Binigyan ng pagkilala ng Sangguniang Panglunsod ng Cauayan City ang isang 16 anyos na Cauayenio na nagwagi ng silver medal sa pagsali sa World Vocal Self Accompaniment na ginanap sa California, Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Monica Francesca Cortes ng District II, Cauayan City na nagpapasalamat siya na napabilang siya sa Team Pilipinas at nanalo siya ng medalya sa naturang paligsahan.

Aniya, hindi madali ang kanyang pinagdaanan dahil sa mga diskriminasyon na natanggap ngunit ginawa niya itong inspirasyon para magtagumpay.

Isang taon ang kanilang naging preparasyon at pagsasanay sa Kalakhang Maynila.

Naging mahigpit niyang nakalaban ang France, Trinidad & Tobago at South Africa.

Inawit niya ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar gamit ang ukulele.