ILOILO CITY – Umabot sa 154 na sabungero ang nahuli sa isinagawang joint operation ng Dumangas PNP at Iloilo Police Provincial Office sa Dumangas, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Joven Arevalo, hepe ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na ang mga nahuli ay nagsasagawa ng sabong sa labas ng lisensyadong cockpit arena.

Ayon kay Arevalo, ikinokonsederang illegal ang nasabing sabong dahil isinagawa ito 100 metros mula sa sabungan.

Inihayag ni Arevalo na nakuha sa mga arestado ang P26,000 na cash ngunit ayon naman sa mga arestado, mahigit pa sa nasabing halaga ang nakuha sa kanila.

Sa kabila nito, todo tanggi naman ang mga arestado kung saan karamihan sa kanila ay hindi alam na illegal na pala ang kanilang ginagawa.

-- Advertisement --