Ibinida ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na fully compliant ang lahat ng mga Cessna plane sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng ilang insidente ng plane crash na kinasangkutan na mga Cessna plane na ikinamatay ng apat na katao habang ang iba naman ay patuloy na hinahanap pa.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, dahil dito ay aabot sa 151 Cessna planes ang in-isyuhan ng safety o airworthiness certificates.
Ito ay matapos na makapasa ang nasabing mga aircraft sa lahat ng itinakdang mandatory requirements ng pamahalaan bago ito mapahintulutang makalipad.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ni Apolonio na aabot na rin sa 34 na mga insidenteng kinasasangkutan ng Cessna planes sa iba’t-ibang panig ng bansa sa nakalipas na apat na taon, at 13 sa mga ito ay kinokonsiderang “serious” ngunit wala namang nasawing buhay.
Habang dalawang major accidents naman ang naitala sa taong ito na nagresulta pagkasawi ng buhay ng ilang indibidwal.