Magdedeploy ang North Luzon Expressway (NLEX) ng mahigit 1,500 na tauhan nito sa buong Metro Manila para sa long weekend.
Batay sa naging abisyo ng NLEX, simula sa araw ng Biyernes, Oktobre-27 ay idedeploy na ang mga mahigit 1,500 katao na binubuo ng traffic, toll, at systems personnel.
Magtatagal hanggang sa Nobiembre-6 ang deployment ng mga ito.
Inaasahan ng NLEX na tataas ng hanggang sa sampung porsyento ang traffic volume pagsapit ng holiday break, kayat kailangan ang mga dagdag na tauhan na nasa mga ground level.
Mula Oct 27 hanggang Nov 6, suspendido na rin muna ang mga isinasagawang repair o pag-aayos sa mga kakalsadaan na sakop ng NLEX, SCTEX, at NLEX Connector, maliban lamang kung may malaking pangangailangan na ipagpaliban ito.
Abiso ng NLEX sa mga motorista, agahan ang pagpaplano sa kani-kanilang mga biyahe at kung maaari ay bumiyahe na lamang muna ang mga ito sa mga non-peak period, para maiwasan na makipagsiksikan pa sa maraming mga biyahero.