Nasa 1,500 sundalo mula sa Philippine Army at US Army ang kalahok sa joint war games na tinawag na Salaknib 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay TRADOC Army training Director Col Benjie Hao, sinabi nito na 1,000 dito ay mga Pinoy soldiers habang 500 naman mula sa US Army.

Sinabi ni Hao na ang Salaknib ay army to army training exchange sa pagitan ng Philippine Army at United States Army Pacific Command (USARPAC) kung saan nakapokus ito para palawakin pa ang skill competencies ng dalawang armies lalo na para labanan ang terorismo.

Dagdag pa ni Hao, bahagi ng kanilang modernization program ang nasabing joint military exercises.

Dahil dito, inaasahan na nila na sa susunod na taon ay maiiba na ang imahe ng mga sundalo lalo na sa mga taktikang ipapakita sa pakikipaglaban kontra terorismo.