Nasa 150 mga Pinoy workers ng Sri Lanka ang nag-request ng repatriation sa gitna ng patuloy na malawakang protesta laban sa economic crisis sa bansa ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople aabot sa 700 mga Pinoy ang naninirahan sa Sri Lanka.
Aniya, umaasa sila sa DFA para sa tulong na ibibigay sa mga apektadong manggagawa at tiniyak nito na ang repatriation arrangement ay isinasagawa.
Noong Miyerkules, idineklara ng Sri Lanka ang state of emergency habang libu-libong tao ang nag-uumapaw sa opisina ng punong ministro matapos bumiyahe ang pangulo ng bansa sa Maldives.
Napag-alaman na si Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa kasama ang kanyang asawa at isang bodyguard ay sumakay sa isang Antonov-32 military aircraft na lumipad mula sa international airport patungong Maldives.