-- Advertisements --

BAGUIO CITY– Nakapagtapos ang 150 magsasasaka sa School-on-Air (SOA) program on Agroforestry ng Department of Agriculture (DA) – Cordillera.

Ayon sa ahensiya, mula sa kabuuang bilang ng mga nagsipagtapos ay 51 ang mga babae at 99 ang mga lalaki at sila ay nagmula sa Apayao at iba’t ibang lalawigan ng Kalinga.

Naituro sa mga magsasaka ang mga usapin sa agroforestry tulad ng mga bagong teknolohiya para sa agricultural land na nagsusulong sa preserbasyon at tamang pag-aalaga sa kalikasan.

Ayon sa Top 1 Performing SOA graduate na si Crispin Gayagay mula Tabuk City, Kalinga, malaki ang opurtunidad nitong maging competitive sa sektor ng agrikultura dahil sa mga natutunan nito mula sa SOA.

Ipinasigurado niya na ibabahagi ang mga natutunang aral sa mga kapwa magsasaka para damhin rin ang programa ng Department of Agriculture.

Isinasagawa ng DA-Cordillera ang SOA program sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na gobyerno at ang Kalinga State University (KSU) para matulongan ang mga magsasaka na matutunan at malaman ng mga ito ang mga makabagong estratehiya.