-- Advertisements --

Nakalaya na matapos ang mahigit isang buwan ang 15 crew members, kabilang na ang ilang mga Pilipino, matapos na dinukot sa kanilang pinagtatrabahuhan na chemical tanket sa karagatang sakop ng Benin sa West Africa.

Ayon sa kompanya na De Poli Tankers, ikinatutuwa nila ang report na lahat ng 15 na officers at crew ng Davide B vessel sa Gulf of Guinea noong Marso 11 ay pawang nakalaya na.

Ligtas na ang mga tripulanteng ito at maari nang makabalik sa kanilang mga pamilya sa Eastern Europe at Pilipinas.

Nabatid na hinostage ang mga tripulante na ito sa 210 nautical miles south ng Cotonou nang atakihin at akyantin ng mga pirata ang Maltese-registered chemical tanker noong nakaraang buwan.