-- Advertisements --
Patay ang 15 katao at nasa 100 ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang gusali sa Bangladesh.
Naganap ang pagsabog sa ikalima at ikaapat na palapag ng gusali sa Gulistan district.
Dahil sa lakas ng pagsabog ay nawasak ang malaking bahagi ng gusali.
Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang ibang mga sugatan habang inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.