Arestado ang isang Chinese national sa Quezon City matapos makuhanan ng 15-kilo ng pinaghihinalaang shabu sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA-National Capital Region director Joel Plaza ang naaresto na si Hongbo He, 45, na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug syndicate.

Batay sa ulat, tatlong linggong minanmanan ng mga otoridad ang dayuhan na sinasabing responsable sa distribusyon ng illegal drugs sa Metro Manila.

Nakuhanan ito ng 15 piraso ng transparent plastic packs na may bigat na 15-kilo, at cargo van.

May market value naman daw ito na P102-milyon.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa suspek.