Patay ang 15 katao sa naganap na pagsabog ng dalawang kotse sa Mogadishu, Somalia.
Ito na ang pinakahuling pag-atake ng al Qaeda affiliate na al Shabaab mula ng simulan ng Somalia governments ang matinding paglaban kontra sa insurhensiya.
Maraming kabahayan din ang nasira dahil sa nasa nasabing car bombing.
Kabilang sa mga nasawi ang ilang sundalo, sibilyan at mga militia members.
Ayon kay Mahas District Commissioner Mumin Mohamed Halane na unang tinarget ng mga suspek ang kaniyang bahay habang ang isa ay tumama sa bahay ng isang federal lawmaker.
Ipinagmalaki naman ng al Shabaab ang kanilang ginawang pagbomba kung saan sinabi pa nila na nasa 87 katao ang nasawi.
Sinabi naman ni Mahas District Commissioner Mumin Mohamed Halane na sa ginawang pagganti ng gobyerno ay napatay nila ang ilang daang militia members habang marami ang kanilang naaresto.
Tiniyak nito na patuloy ang kanilang gagawing paghabol sa nasabing militant groups.