-- Advertisements --

CEBU CITY – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang 15-anyos na tinaguriang regional high value target matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation ng City Intelligence Branch (CIB) sa Sitio Galili, Brgy. Duljo Fatima sa lungsod ng Cebu.

Nakuha mula sa menor de edad na si alyas Roy ang halos P2 million na halaga ng shabu.

Ayon sa binatilyo, dahil sa kahirapan kaya siya pumasok na iligal ba gawain nang sa ganon, matustusan daw nito ang kanilang pangangailangan ng kanyang 14-years old live-in partner.

Patuloy naman na tini-trace ng pulisya kung saan at sino ang supplier ng shabu ng naturang menor de edad.