CAUAYAN CITY- Nasa pagamutan pa rin ang 15 anyos na binatilyo na lulan ng isang motorsiklong bumangga isang kotse sa Purok 3, Salavacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang binatilyong lulan ng kulay itim at puting Motorsiklo ay si John-John Wilson, estudyante, residente ng Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya habang ang may-ari at nagmamaneho ng itim kotse ay si Lynor Bueno,43 anyos,may-asawa, Bayombong LGU Employee at residente ng Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.
Sa pagsisiyasat ng Bayombong Police Station, nasa unahan ang kotse na sinusundan ng motosiklo.
Bigla umanong lumiko patungo sa isang kanto ang kotseng minamaneho ni Bueno at nasalpok ng mag-oovertake sanang motorsiklo na minamaneho naman ni Wilson.
Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo dahilan upang masalpok nito ang kotse
Dahil sa tinamong matinding pinasala ay maaring maputol ang kaliwang paa ng binatilyo bukod pa sa tinamong head Injury at ilang galos sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Hindi naman nasaktan ang driver ng kotse.
Maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injury si Bueno.