-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng panibagong 14,786 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus sa bansa ay umaabot na sa 2,580,173.

Samantala ay mayroon namang naitalang 894 na gumaling at 164 na pumanaw.

Sa kabuuan ang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (144,061) ang aktibong kaso, 92.9% (2,397,456) na ang gumaling, at 1.50% (38,656) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 30, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.12% sa lahat ng samples na naitest at 0.05% sa lahat ng positibong mga indibidwal.