-- Advertisements --

Higit 14,000 binhi ng iba’t-ibang gulay ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa Calabarzon para masigurong tuloy-tuloy ang produksyon ng pagkain sa gitna ng COVID-19 crisis.

Kabilang sa binhing ipinamahagi ng DA ay para sa pagtatanim ng pechay, mustasa, kangkong, pipino, repolyo, labanos at mga gulay na rekados sa ulam na pakbet.

Nai-distribute na raw ito sa limang agricultural program coordinating offices ng rehiyon, na nakatakda rin ipamahagi sa mga local government unit sa susunod na linggo.

“The distribution of this intervention will be done through the assistance of the city and municipal agriculture offices,” ayon sa DA statement.

Nagkakahalaga ng P34.8-milyon ang mga binhi na parte ng “Plant, Plant, Plant Program” ng Agriculture department.

Ayon kay Engr. Redelliza A. Gruezo ng DA, layunin ng programa na masigurong hindi magkakaroon ng shortage sa pagkain dahil sa banta ng COVID-19.

“We are doing our best to help prevent shortages and keep local food production going,” ani Gruezo.