-- Advertisements --
Nasa kabuuang 140 distressed overseas Filipino workers na ang nai-repatriate mula sa Kuwait.
Ito ay bahagi ng repatriation program ng Overseas Workers Welfare Association at Department of Migrant Workers na layuning tulungang ligtas na makabalik sa bansa ang mga kababayan nating OFW.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Association, kahapon, Setyembre 15, nakarating sa Pilipinas ang naturang mga OFW na sinalubong naman ng airport team nito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 and 3.
Samantala, kasabay nito ay nagpaabot din ang naturang ahensya ng mga pagkain, hotel accommodations, transportation, at maging financial assistance sa nasabing mga distressed OFW na ligtas na nakabalik sa ating bansa.