-- Advertisements --

Nawalan ng tirahan ang nasa 14 na pamilya matapos ang naganap na sunog sa Brgy. Guinayang sa San Mateo, Rizal.

Pasado alas 8 ng gabi at ito ay naapula mahigit dalawang oras.

Dalawang nasugatan sa insidente ng subukan nilang apulahin ang nasabing nasusunog nilang bahay.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng nasabing sunog.