Nakatakdang dumating dito sa Pilipinas ang kabuuang 14 na non-marital Filipino children o mga bata na ang hindi kasal ang magulang mula sa Jordan makalipas ang isang dekadang apela ng gobyerno ng Pilipinas sa Arab nation.
Ang naturang mga bata ay inisyal na pinagbawalan na ma-repatriate o makauwi sa bansa dahil sa kawalan ng Jordanian birth certificate na isang requirement para makabiyahe sila palabas ng Jordan.
Sa isang statement, sinabi naman ni PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na isang testamento ang repatriation na ito ng mga Pilipinong menor de edad sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa pagresolba ng mga isyu na nakaapekto sa interes ng mamamayang Pilipino sa Jordan.
Kahapon, Nobiyembre 24, nang bumiyahe paalis ng Jordan ang nasabing mga bata.
Ang 14 na Pilipinong bata kasama ang kanilang mga magulang ang ikalawang batch na ng mga Filipinon non-marital children na na-repatriate mula Jordan kung saan ang unang batch ay binubuo ng 13 mga bata na nakauwi sa bansa noong Oktubre 7.