Nasa 14 na hikers mula Cavite na nasa paanan ng Mt. Bulusan ang nailigtas ng mga otoridad.
Ang naturang mga hikers ay nasa paanan ng bulkan nang nangyari ang phreatic eruption dakong alas-10:37 ng umaga.
Ang mga tauhan daw ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Barcelona, Sorsogon ang tumulong sa mga hikers para makaalis sa nag-aalburutong bulkan.
Ayon kay Barcelona MDRRMO chief Leo Paul Ferreras, sinumulan daw ng mga hikers ang kanilang pag-akyat sa bundok dakong alas-11:00 ng umaga kahapon sa Barangay San Ramon.
Nalaman naman ng mga opisyal ng MDRRMO ang kalagayan ng mga hikers nang magsagawa ang mga ito nang pagpa-patrol sa lugar para abisuhan ang mga residente na linasin na ang kanilang mga tahanan.
Sa ngayon, sinabi ni Phivolcs na dalawang bayan sa Sorsogon ang Juban at Casiguran ang tinamaan ng ashfall.
















