LEGAZPI CITY – Napagdesisyonan ng 14 na mga alkalde sa lalawigan ng Albay na isapubliko ang sabay-sabay nilang pagpapabakuna laban sa coronavirus disease upang maipakita sa publiko na walang dapat na ipangamba sa pagtanggap ng vaccine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Noel Rosal, ang alkalde ng Tabaco City na si Mayor Krisel Lagman-Luistro umano ang may nanguna sa hakbang na nagmungkahi na i-post live sa social media ang kanilang pagpapabakuna.
Layunin nito na ipakita sa publiko na ligtas ang mga bakuna na dumaan naman sa mga pag-aaral at approval ng mga eksperto.
Sa ngayon ay pinaplantsa pa ng mga alkalde kung kailan at kung saan ito isasagawa.
Nabatid na napagdesisyoan ng Legazpi City na direkta ng bumili ng mga bakuna mula sa ibang bansa na inaasahang darating na ngayon o sa susunod na buwan.